Pagbabago Sa Paete

Madalas ako ngay-on sa Paete. Bali baga ay gawa nang napag isipan ko rin na mas marami akong gustong gawin na dine ko la-ang pwedeng gaw-in. Nakakapanibago pero nakakatuwa na sa isang maliit na bayan ( pabiro ko sinasabi na pwedeng isaksak ang buong Paete kapag nakahilera ang mga bahay sa loob ng UST Campus) ay masasabi na ring maunlad. Kung ang pag unlad ay maibabase mo sa dami ng scooter at motorsiklong naglipana (halos nga ay wala nang naglalakad ay!) Natatawa din ako sa mga taong naka scooter na nga ay nanininsay pa (yung sa eskinita pa rin dumadaan). Pero sa kabuuan, nagagandahan ako sa Paete, kahit pa may isang survey na sa buong Laguna daw ay kabilang ang Paete sa mga pinakamaduming bayan.

Awan ko la-ang.

rusty

Ang nakita kong dahilan kung bakit kahit papaano ay maganda pa rin ang Paete, kahit na dahilan ng karamihan para lumabas ng bansa ay wala na ang industriya ng ukit at taka, kahit na tila iba na ang mga hilig ng bata, sa kabila nitong lahat ay ang mga tao. Iba pa rin ang laking Paete. May sariling kariktan.

Dangan nga la-ang, dahilan na rin sa makabagong technology at modernong gamit, tila nalilimutan ng mga bata kung saan ang pundasyon ng Paete – SINING. Buong Pilipinas ay may sariling sining, sa awit, sayaw, teatro, paglilok, pag-taka – na may ugat na nagmula pa sa ating mga ninuno, ng buong sangkatauhan at yan ay ang pag MIMIC o pag-gaya sa buhay. Dun nagsimula ang pagguhit ng tao sa kaniyang nakikita, o naranasan na naibubulalas nya sa pag guhit.

Malalim ang sining sa mga taga Paete.

Naniniwala ako dya-an. Kung di rin la-ang mahirap daw ang buhay ngay-on, maaaring maging maka sining uli ang mga taga Paete.

Sa mga maliliit, na paraan ay maaaring mabuhay mag-uli ang sining ng Paete. Di kailangang makaluma, maari namang isabay sa makabagong panahon ang Sining ng Paete, kaunting pag-aaral la-ang at ito ay maisasakatuparan.

Komiks. Drawing. Illustration. Painting. At iba pa. Lahat pwede pa buhayin. Konting panahon la-ang.

Teri, Cory, Jon and the Clowns that run the country

Somebody’s making a lot of racket about The Daily Show allegedly making fun of Cory. Sus! And here we are going ballistic about Teri’s line on her very American-Suburbian themed show. And Pinoys, (at least those with enough time to kill) are swarming over those petitions and complaints and whatnots para daw maibangon ang nasirang puri ng mga Pilipino sa buong mundo.

Tsk.

Have you read the news lately? Listened to AM radio? That bunch of lawyers, career politicians and wannabe messiahs have been causing us Pinoys our misery, not those trivial comments on Desperate Housewives, not Jon Stewart‘s The Daily Show Segment. It’s the SENATE that’s the source of our humiliating persona around the world! It’s the CONGRESS that’s making our life embarassing. Ang tanging kayang gawin lang nga mga tanginang ito ay: mag-tawag ng Congressional hearing sa mga walang kapararakang bagay while the need for more roads and school buildings go unheeded, mag-tawag ng senate inquiry about hidden wealth other than their own, mag akusa ng kung anu-ano sa media then blame media for blowing up the whole thing out of proportion, and use the alibi IT WAS MISCOMMUNICATION like it was tissue paper on a roll. Why even the broadsheets (I can name two leading newspapers) turn out to be just the larger version of the typical tabloids, other than it is written in English (with enough typos to choke you). Everywhere it’s CONSPIRACIES. And they (politicians and newspapers, even tv newsteams) revel on their supposed ex-po-se about this and that but fail to acknowledge certain alliances/conspiracies between a newspaper giant and a tv network existing just to spite the other, bigger, more savvy tv network. May napapansin ka bang namimigay ng ticket sa lugar nyo tapos sinisingil yung me tindahan about certain fees? Without a real, legal receipt to go with it? Naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit may cedula pa? Did any of you, honorable, respectable Filipinos chose the usual channels and NOT ask for padrinos or ‘KAKILALA’ sa City Hall? Conscious ka ba sa ingay ng iyong souped-up scooter kapag gamit mo ito? Wala ka bang pakialam kapag sobrang lakas ng nirentahan mong videoke machine kahit dis-oras na nag gabi dahil marami pang bisita at minsan lang naman kamo ang hapening sa bahay mo?Haaay . . .

Wala akong naulinigan na nag-reklamo about KMU dahil lahat ng pinasok nilang factory eventually nagsara dahil sa labor dispute, the very thing labor unions are supposed to prevent from happening. I haven’t recieved any forwarded email about Pinoys banding together to kick out and ban all irresponsible and corrupt public officials. Ni wala yata naka-isip na magtanong o kontrahin ang Simbahan about why they keep dipping their hands against Family planning, or why they always need money for this and that but they don’t pay taxes.

So tama na yang paghihimutok about racial slurs, derogatory remarks and stuff. Too far from the gut to be really painful.

Oh, oo nga pala, most of it are true anyway . . .

Ulan

Natutuwa ako sa ulan. Madalas magkaka-ibang emotion ang pinapakita ng tao kapag bumubuhos ang tubig mula sa langit. Mayroong tumatakbo na parang ikamamatay nya kung mabasa.May nagmumura at parang ulan lang ang tanging hadlang sa kanyang mga plano. Mayroon ding mga tulad ko na tila haplos ng pagmamahal ang mga patak. Yun nga la-ang, di praktikal ang magpa-ulan. Pero nakakatuwa pa rin.

Kanina pa umuulan mula umaga. Tumila ng kaunti ng tanghali at nagsimula na namang pumatak kinahapunan.

“Ulan, ulan, pantay kawayan. Bagyo, bagyo, pantay kabayo.” –tula o laro ng aking kabataan sa paete.