Moved out: I Want To Stop (2005)

I have decided to move this post here, with all the other illustrations and writing (sort of) I’ve done or about to continue. You can look at it HERE

The rest of the pages can be found HERE.

Reklamador

Author’s Note: This narrative was written sometime 2003 while still working in animation. The illustration that goes with the story is older. I kept the story intact with a few changes.- scrEaMing mANgo

Masakit pa rin ang ulo ko ah. Makabangon na nga, at baka ma-late na naman ako. Ahh . . . talagang di maganda sundutin ng beer ang gin. Si Pareng Baco kasi, sabing tama na, sige pa ng sige, t’yak, di na naman makakapasok yun. Putris, paano ka ba naman maliligo sa isang baldeng tubig? Di na naman siguro nagkaroon kagabi. Halos tatlong araw nang ganito ah. Asan bang yosi ko? Patay! Na-arbor na naman ang lighter ko.

Tsk.

Makapaligo na nga. Sa Biyernes pa’ng sweldo, Miyerkoles pa lang ngayon. ‘Ala na akong budget. Paubos na rin ang toothpaste namin. Buti na lang, nakakautang ako kina Aling Wena, marami na rin siguro akong lista dun. Haaay, tagal pa ng sweldo. Continue reading