Reklamador

Author’s Note: This narrative was written sometime 2003 while still working in animation. The illustration that goes with the story is older. I kept the story intact with a few changes.- scrEaMing mANgo

Masakit pa rin ang ulo ko ah. Makabangon na nga, at baka ma-late na naman ako. Ahh . . . talagang di maganda sundutin ng beer ang gin. Si Pareng Baco kasi, sabing tama na, sige pa ng sige, t’yak, di na naman makakapasok yun. Putris, paano ka ba naman maliligo sa isang baldeng tubig? Di na naman siguro nagkaroon kagabi. Halos tatlong araw nang ganito ah. Asan bang yosi ko? Patay! Na-arbor na naman ang lighter ko.

Tsk.

Makapaligo na nga. Sa Biyernes pa’ng sweldo, Miyerkoles pa lang ngayon. ‘Ala na akong budget. Paubos na rin ang toothpaste namin. Buti na lang, nakakautang ako kina Aling Wena, marami na rin siguro akong lista dun. Haaay, tagal pa ng sweldo.

Buti na lang may nakaisip ng Kape. Diyos na maituturing ang mga taong nakaisip magpatuyo at mag-giling ng kape! ‘Asan na bang I.D. ko? Baka sitahin na naman ako ng dyaguar na matapobre sa entrance, sobra kasing higpit sa mga tulad ko, samantalang yung mukhang mamahalin ang damit, may ngiti pang kasama ang “Good Morning, Ser, Mam!” Okay naman ang suot ka ah, kahit di plantsado. Malinis naman. Nakakatawa pa, high tech pala yung stick na hawak ng mga dyaguar! Biruin mo yun lang gamit nila pang detect kung may bomba sa bag mo? Hanep! Sus. Dinaman kailangan ng business attire sa office namin, ewan ko ba bakit pinipilit ng bos-boasn na tumulad kami sa mga empleyadong pmapasok sa building na yun.

Syet! Naubos na naman ang traysikel! Tapos, ma-tyempo ka pa sa kalawangin ang sidecar. Bakit kaya mas mahal pa ang pamasahe sa traysikel kesa jeep o bus? Parang taxi driver pa naman mga yun, namimili pa ng pasahero. Kuu!

Nakupo! Mukhang di lang ako ang tinanghali ng gising ngayon ah. Punuan na mga bus. Ba’t kasi di ayusin ng PNCC itong lugar na sakayan at babaan ng mga pasahero? Tuloy parang hinalong kalamay araw-araw dito sa Sucat. Saan na kaya yung “On This Site Will Rise The New PNCC-Commuter Waiting Shed”? Dalawang taon na nakapaskel, biglang nawala. Nawala din siguro budget, he he he! Gitgitan na naman ito! Eto na ang bus. Para na naman akong Riot Police nito sa susugod sa rallyista sa pag-sakay . . .

Trapik! May banggaan na naman yata. Patay na naman, namumula na ang timecard ko. Di pa rin gumagalaw ang mga sasakyan, init pa. Bago ka man lang makarating sa trabaho amoy tambutso ka na. Nalimutan ko pala yung pocketbook sa mesa, buti nandito mp3 player ko., at di ko kailanganng makinig sa music ng bus na lima lang yata ang song sa playlist tapos sangkatutak na greetings lang maririnig mo. Uy, andar na kami . . .

Di na naman umaandar ang escalator sa MRT, kaya heto papawisan na naman sa pag akyat. At bakit kaya, kung kaya mong ipaliwanag sa aking mahinang pag-iisip, kung sino pa yung mga mukhang professional, mukhang edukado at may pag ka sosyal ang walang modo sa mga pilahan? Paliwanag mo nga sa akin? Madalas, dinuduldol pa ang likuran mo para umusog ka paabante. Makakatulong ba yun kung sandamukal din ang nasa harapan ko? Sa loob ng train, yung karamihan, walang pakialam sa mga katabi, basta makaupo lang sila ng may poise. Meron pa dyan, kung kumuha ng dyaryo parang ibebenta sa office nila. Kapal!

Downtime? Akala ko ba, maraming dumating folder dumating kagabi? Nasaan na yung mga yun? Di pa ako quota. Paano ba yan? Di pa naman pwedeng umuwi. Ewsan ko ba sa policy na yan. Ba’t di na lang walang pasok pag ganito? Wala naman gagawin, kailangan present ka pa. Ano, tambay lang ako dito? Kapag umalis kang maaga, bawas ang sweldo mo. Maglibang ka ng konti sa pc mo, sisitahin ka. Smokers karamihan sa amin dito pero walang smoking room. Bababa ka pa ng building para lang sa isang yosi. Ang higpit sa attendance at oras, palagi naman ganito. Ang laki-laki ng tax ko, daming babayaran, tapos, parang kailangan mo pang mag-makaawa para bigyan ka ng gagawin para makaabot sa quota. . . .

Kalahating araw ka naghihintay ng gagawin tapos ang makukuha kong trabaho ay di kayang tapusin bago mag-alas sais! kakakuha ko lang nito, deadline na bukas? Di ba nila alam na di basta basta draawing ang ginagawa sa animation? Nampucha! Huuu . . . .

Hay, naku, sira na pala itong backpack ko. Aba, teka, teka, yung miss, naagawan ng cellphone! Ang bilis ah! Kasi naman! Bakit naman kasi. Di na nadala ang mga tao. Mga hayop na yun! Bakit di na lang sila hmanap ng trabaho? Sabagay mahirap nga humanap ng trabaho ngayon, pero di naman yata tama yung magnakaw ng pinaghirapan ng iba.. E bakit ka nga naman susunod sa tamang gawain, e ultimo mga politico na binoto mo puro pagnglalamang at pagnanakaw lang ang ginagawa. Kawawa naman yung miss, tiyak, pinaghirapan ng magulang nya maibili ng cellphone kasi sa panahon ngayon, kailangan e. Buti na lang di ako mahilig sa mamahaling klase. Text at tawag lang, kahit di makulay ang display okay na. Second hand, er, pre-owned pala okay na sa akin.

Aba, Ale naman, wag nyo na akong siksikin dito sa upuan! Nagpakabaluktot na nga ako para makaupo kayo ng mahusay, gusto nyo pati mga dala-dala nyo nakaupo din. Common courtesy naman!

Mama, kulang pa ang sukli, Siyete lang mula Sucat hanggang Valley 1. Paki-abot naman sukli. Salamat!

Pesteng ulan ito. Kung kelan malapit na sa bahay. Yosi nga muna.

Tagal naman mapuno ng traysikel. Hirap kasi, sa kaloob-looban ng subdivision ang sa amin. Amoy beybi na ako . . .beybing dragon! Alas diyes na pala?

Wala pa ring tubig? Tulog na tulog ang mag-ina ko. Hirap ng ganito, umaalis ka ng bahay tulog pa sila, darating ka , tulog na sila. Mas mahaba pa ang oras ko sa trabaho kesa pamilya mo, puro pa sama nang loob ang pasalubong mo sa kanila. Kape na nga lang muna habang hintay ng tubig. Buti mura lang cable service dito. Ano kaya magandang palabas?

May babaunin kaya ako bukas?

Tagal pa ng sweldo . . .

What do you think? Leave a comment . . .

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s